Skip to content
友善列印 書籤
二維碼

Main Content

正確洗手方法及佩戴口罩指引 - 菲律賓文版
關閉
正確洗手方法及佩戴口罩指引 - 菲律賓文版

Gamitin nang Wasto ang Mask


Ang pagsusuot ng mask (o pantakip sa bibig at ilong) ay isang paraan upang maiwasan ang paglaganap ng mga impeksiyon sa palahingahan. Ang mga taong may mga sintomas ng impeksiyon sa paghinga, mga nangangalaga ng mga pasyenteng may mga sintomas ng impeksiyon sa paghinga at mga bisita ng klinika o mga ospital ay dapat na magsuot ng mask upang mabawasan ang tsansa ng paglaganap ng sakit. Ang mga surgical mask, kung wastong isusuot, ay epektibo sa pag-iwas na paglaganap ng mga impeksiyon mula sa mga tilamsik.

 


Mga puntong dapat tandaan tungkol sa pagsusuot ng surgical mask:

Hugasan ang mga kamay bago isuot ang mask, at bago at pagkatapos tanggalin ang ito.

  • Ang mask ay dapat na hapit na nakalapat sa buong mukha
    • Ang may kulay na gilid ng mask ay dapat na nakaharap palabas, na nasa pinakaibabaw ang metalikong bahagi
    • Ang mga tali o mga gomang ay nakalagay nang wasto upang panatilihing nakalagay nang pirme ang mask sa lugar
    • Dapat na lubusang natatakpan ng mask ang ilong, bibig at baba
    • Ang metaliko bahagi ay nakahulma sa balingusan ng ilong at ang mask ay dapat na hapit na nakalapat sa buong mukha
  • Iwasang hawakan ang mask sa oras na ito ay nakalapat na sa iyong mukha dahil maaaring mabawasan ng madalas na paghawak ang proteksiyon nito. Kung dapat mong gawin ito, hugasan ang iyong mga kamay bago at pagkatapos na hawakan ang mask.
  • Kapag aalisin ang mask, iwasang mahawakan ang panlabas ng mask dahil ang bahaging ito ay maaaring puno ng mga mikrobiyo
  • Pagkatapos tanggalin ang mask, ilagay ang mask sa isang plastik o papel na bag bago ito itapon sa isang may takip basurahan.
  • Ang surgical mask ay dapat na palitan kahit man lang araw-araw. Palitan kaagad ang mask kung ito ay masira o marumihan.


Kung may anumang sintomas ka ng trangkaso, mangyari isuot ang iyong mask at agad kumonsulta sa doktor.


Upang maghanda para sa pagbaba ng kakailanganin sa panahon ng isang pandemic ng trangkaso, ang pangkalahatang mga kasambahay ay dapat na mag-ingat ng pang-ilang linggong panustos ng mga surgical mask sa lahat ng oras.

Para sa higit pang impormasyong pangkalusugan, mangyaring tawagan ang 24 na Oras na Hotline para sa Edukasyong Pangkalusugan ng Kagawaran ng Kalusugan (wikang Cantonese, Inglis at Putonghua) sa 28330111 o bumisita sa website ng Sentro para sa Proteksiyong Pangkalusugan (Centre for Health Protection) sa www.chp.gov.hk

 
第一頁  上一頁  / 4   
頁首   頁首
 

Main Content

正確洗手方法及佩戴口罩指引 - 菲律賓文版
關閉