Skip to content
友善列印 书签
二维码

Main Content

麻疹 - 菲律宾文版
关闭
麻疹 - 菲律宾文版

(麻疹 - 菲律宾文版)

Tigdas

Mikrobyo na nagdudulot ng sakit

Ito ay idinudulot ng virus na tinatawag na Tigdas o Measles virus.

Mga klinikal na katangian

Ang tigdas noon ay isang karaniwang impeksyon sa pagkabata bago ang unang paggamit ng bakuna laban sa tigdas. Sa simula, ang mga apektadong tao ay magkakaroon ng lagnat, ubo, sipon, mapupulang mata at puting mantsa sa loob ng bibig. Mula 3 hanggang 7 araw kinalaunan, ito ay sinusundan ng mapulang pantal sa balat, na karaniwang kumakalat mula sa mukha patungo sa natitirang bahagi ng katawan. Karaniwang tumatagal ang pantal ng 4 - 7 araw, ngunit maaari itong magpatuloy ng hanggang 3 linggo na mag-iiwan ng kayumangging mantsa at paminsan-minan ay pinong pagbabalat ng balat. Sa mga malalang kaso, maaaring maapektuhan ang baga, bituka at utak at maaaring tumuloy sa mga seryosong resulta o kahit kamatayan.
Ang tigdas sa pagbubuntis ay maaaring magresulta sa masamang epekto sa pagbubuntis, kabilang ang pagkalaglag ng pinagbubuntis, panganganak ng mas maaga, at mababang timbang ng sanggol, ngunit walang katibayan upang suportahan ang mas mataas na panganib ng pagkakaroon ng depekto sapul sa pagkabata. Bukod dito, ang mga sanggol na nahawaan dahil ang ina ay nagkaroon ng tigdas, ilang araw matapos managak, ay nasa mas mataas na panganib na magkaroon ng subacute sclerosing panencephalitis (isang napakabihira ngunit nakamamatay na sakit ng central nervous system) kinalaunan.

Pamamaraan ng pagkalat

Maaari itong maipasa sa pamamagitan ng hangin tulad ng pagkalat ng tilamsik ng laway o sa pamamagitan ng direktang pagdikit o paghawak sa mga sekresyon mula sa ilong o lalamunan ng mga taong may impeksiyon, at hindi karaniwan, sa pamamagitan ng mga damit na nabahiran ng mga sekresyong galing sa ilong o lalamunan. Ang tigdas ay isa sa mga pinakanakakahawang sakit. Maaaring ipasa ng pasyente ang sakit sa ibang mga tao mula 4 araw bago hanggang 4 araw pagkatapos ng paglitaw ng pantal.

Panahon ng inkubasyon

Umaabot ito mula 7-18 araw, ngunit maaari ring umabot hanggang 21 araw.

Pamamahala

Dapat iwasan ng mga apektadong tao ang pakikisalamuha sa mga taong walang resistensiya sa sakit, lalo na ang mga may mahinang resistensiya, buntis na kababaihan at sanggol. Bagaman

 
    / 4  下一页  最後一页
页首   页首
 

Main Content

麻疹 - 菲律宾文版
关闭