Skip to content
Printer Friendly bookmark
qrCode

Main Content

Measles - Tagalog version
Close
Measles - Tagalog version

indibidwal na may mataas na panganib ay maaaring isaalang-alang ang pagsusuot ng mga surgical mask o takip sa mukha habang nasa mga lugar na gayon.

3. Pagbabakuna

  • Ang bakuna laban sa tigdas ay ang pinakaepektibong hakbangin sa pag-iwas sa naturang sakit. Sa ilalim ng Programa sa Pagbabakuna sa Pagkabata ng Hong Kong, ang mga bata ay binibigyan ng dalawang-dosis na kurso ng bakuna laban sa tigdas. (Mangyaring sumangguni sa Programa ng Pagbabakuna Pagkabata sa Hong Kong).
  • Ang iba’t ibang lugar ay bubuo ng iba’t ibang programa sa pagbabakuna sang-ayon sa kanilang mga epidemiolohikal na anyo. Dapat isaayos ng mga magulang na ang kanilang mga anak na tumanggap ng mga bakuna ayon sa lokal na programa ng pagbabakuna ng kanilang lugar na tinitirhan. Halimbawa, ang mga bata na wala pang isang taon na madalas na nagbibiyahe sa o nananatili sa Mainland o pangunahing bayan ay dapat sundin ang iskedyul sa tigdas ng Mainland o pangunahing bayan na ang unang dosis ng bakuna na naglalaman ng tigdas ay itinuturok sa 8 buwang edad, na sinusundan ng isa pang dosis na itinuturok sa 18 buwan.
  • Ang lahat ng mga dayuhang kasambahay (FDH) na walang resistensiya@ sa tigdas ay dapat tumanggap ng bakuna laban sa Tigdas, Beke at Tigdas-hangin (MMR), mas mabuti bago sila dumating sa Hong Kong. Kung hindi ito posible, maaari silang kumonsulta ng isang doktor pagkarating sa Hong Kong. Maaaring isaalang-alang ng mga ahensiya ng trabaho ang pagdaragdag ng pagsusuri ng katayuan ng resistensiya laban sa tigdas o pagbabakuna ng MMR para sa FDH bilang mga karagdagang bagay sa pakete ng medikal na pagsusuri bago ang pagpasok sa trabaho.
  • Ang mga buntis na kababaihan at kababaihan na naghahanda para sa pagbubuntis ay dapat kumonsulta sa kanilang doktor para sa payo kung hindi sila sigurado kung sila ay may resistensya sa tigdas. Dahil ang mga bakuna na naglalaman ng tigdas ay hindi maaaring ibigay sa panahon ng pagbubuntis, pinapayuhan silang huwag maglakbay sa mga lugar na may mga paglaganap o mataas na insidente ng tigdas kung wala silang resistensya sa tigdas.
  • Sa kabuuan, ang mga sumusunod na indibidwal ay HINDI DAPAT makatanggap ng bakunang MMR^*:

    1. May matinding allergic reaction sa dating dosis ng bakunang MMR o sa kahit anong sangkap ng nasabing bakuna (hal. gelatin o neomycin)
    2. Mga indibidwal na may matinding immunosuppression mula sa isang sakit o dahil sa gamot (hal. Kasalukuyang nasa gamutan para sa kanser tulad ng chemotherapy at radiotherapy, o umiinom ng mga immunosuppressive na gamot tulad ng mataas na dosis ng corticosteroid, atbp.)
    3. Buntis#

@Sa pangkalahatan, ang mga tao ay maaaring ituring na walang resistensiya sa tigdas kung (i) hindi sila nagkaroon ng tigdas na kinumpirma dati ng pagsusuri sa laboratoryo, at (ii) hindi pa sila ganap na nabakunahan laban sa tigdas o hindi alam ang kanilang katayuan sa bakuna.

^Dapat na sumangguni sa doktor para sa anumang payong medikal.

 

 
First page  Previous page  / 4  Next page  Last page
Top   Top
 

Main Content

Measles - Tagalog version
Close