Skip to content
Printer Friendly bookmark
qrCode

Main Content

MRSA and CA-MARSA Infection Pamphlet - Tagalog Version
Close
MRSA and CA-MARSA Infection Pamphlet - Tagalog Version

(Methicillin-resistant Staphylococcus Aureus (MRSA) Infection and Community-associated MRSA Infection - Tagalog Version)

Ang Impeksyong Methicillin-resistant Staphylococcus Aureus (MRSA) at Impeksyong Community-associated MRSA

Mikrobyong Sanhi ng Sakit

Ang Staphylococcus aureus (S. aureus) ay isang bacterium na karaniwang nasa balat o sa nasal cavity ng malulusog na tao. Ang mga malusog na indibidwal ay dala-dala ang bakterya na walang mga palatandaan o sintomas ng impeksiyon. Gayunman, ang bakterya ay maaaring magdulot ng mga sakit tulad ng impeksiyon sa balat, sugat, daanan ng ihi, baga, daluyan ng dugo at pagkalason sa pagkain.
Karamihan sa mga impeksiyon ng S. aureus ay maaaring gamutin ng mga antibiotiko nang epektibo. Gayunpaman, ang methicillin-resistant S. aureus (MRSA) ay isang strain ng S. aureus na di-tinatablan ng mga antibiotiko, kabilang dito ang methicillin at iba pang karaniwang ginagamit na mga antibiotiko tulad ng oxacillin, penicillin, amoxicillin at cephalosporins. Ang di-wastong paggamit ng mga antibiotiko ay ang pinakakilala bilang isang salik na dahilan sa pagkadi-tinatablan ng antibyotiko.
Ang karamihan sa mga impeksyon ng MRSA ay nangyayari sa mga taong naospital, nakatira sa mga tahanan ng pag-aaruga o nakatanggap ng paggamot sa mga kapaligiran ng pangangalagang pangkalusugan tulad ng mga dialysis center.

Ano ang impeksyong ‘Community-associated MRSA (CA-MRSA)'?
Minsan, ang mga impeksiyon na dahil sa MRSA ay maaaring mangyari sa mga indibidwal na naninirahan sa komunidad na hindi pa naospital, nanatili sa mga tahanan ng pag-aaruga, o sumailalim sa mga medikal na pamamaraan sa loob ng isang taon bago nagsimula ang simtomas. Ang mga ito ay kilala bilang mga impeksyong community-associated MRSA (CA-MRSA).

Mga klinikal na katangian
Ang MRSA ay kadalasang nagiging sanhi ng mga impeksyon sa balat at soft tissue tulad ng mga tagihawat, mga pigsa, mga nana o mga impeksyon sa sugat. Ang nahawaang parte ay maaaring mapula, namamaga at masakit o maaari ding gumawa ng nana. Minsan, sanhi ng mas malubhang pagkakasunod-sunod (o sequelae) tulad ng mga impeksiyon sa dugo, mga impeksyon sa baga o maaaring mangyari ang necrotising fasciitis.

Paraan kung paano Mahahawaan
Ang pangunahing paraan kung paano mahahawaan ng mga impeksiyon ng MRSA ay sa pamamagitan ng direktang pakikipag-ugnayan sa mga sugat, likidong lumabas sa katawan at maruming mga lugar. Kabilang sa iba pang mga salik ng panganib ay ang malapitang pakikipag-ugnayan, pagkahiwa sa balat dahil sa mga sugat o mga indwelling catheter, di-sapat na kalinisan sa katawan at pamumuhay sa matataong lugar.

Pamamahala
Ang mga indibidwal na may impeksyon sa sugat ay dapat humingi ng payo mula sa propesyonal ng pangangalagang pangkalusugan upang ang impeksiyon ay masuri nang tama at magamot nang epektibo. Ang mga pigsa o mga nana ay maaaring mangailangan ng incision and drainage habang ang mga antibiotiko ay maaaring ireseta kung kinakailangan.

Pag-iwas
Panatilihin ang wastong ang personal na kalinisan sa katawan

  • Ugaliin ang madalas na paghuhugas ng kamay, lalo na bago hawakan ang bibig, ilong o mata; matapos na hawakan ang mga pampublikong instalasyon tulad ng mga handrail o mga hawakan ng pinto; o kapag ang mga kamay ay nahawakan ang mga likido ng respiratoryo pagkatapos umubo o bumahin.
  • Hugasan ang kamay gamit ang likidong sabon at tubig, at magkuskus nang hindi bababa sa 20 segundo. Pagkatapos ay magbanlaw ng tubig at patuyuin gamit ang isang naitatapong papel na pamunas o hand dryer. Kung walang mga pasilidad para sa paghuhugas ng kamay, o kapag ang mga kamay ay nakikitang marumi, linisin ang kamay gamit ang 70-80% na alkohol handrub na isang epektibong alternatibo.
  • Magsuot ng guwantes sa paghahawak ng mga bagay na marumi, at hugasan ang kamay nang mabuti pagkatapos.
  • Iwasan ipagamit ang mga personal na bagay tulad ng mga tuwalya, damit o mga uniporme, pang-ahit o pamputol ng kuko.

Ang tamang pamamahala ng sugat

  • Iwasan ang direktang pakikipag-ugnay sa mga sugat o mga bagay na nirumihan ng likido ng katawan ng sugat.
  • Linisin agad ang sugat at takpan ito ng maayos gamit ang madikit at hindi tinatagusan ng tubig na mga pangbenda hanggang gumaling.
  • Magsagawa ng paghuhugas ng kamay bago at pagkatapos hawakan ang mga sugat.
  • Kumunsulta agad sa doktor kung nagkakaroon ng mga sintomas ng impeksiyon.
  • Iwasan ang larong nakakasakit o pagbisita sa mga pampublikong banyo kung mayroon kang bukas na sugat.

Tamang paggamit ng antibiotics

  • Huwag humingi ng mga antibiotiko mula sa iyong doktor.
  • Sundin ang payo ng iyong doktor kapag umiinom ng mga antibiotiko.
  • Huwag tumigil sa pag-inom ng mga antibiotiko nang mag-isa kahit na kung ang iyong pakiramdam ay bumuti.
  • Huwag uminom ng natirang mga antibiotiko.
  • Huwag ibahagi ang iyong mga antibiotiko sa iba.
  • Pagbutihin ang personal na pangangalaga sa kalinisan habang umiinom ng mga antibiotiko upang protektahan ang iyong sarili at upang maiwasan ang pagkalat ng bakterya:
    • Ugaliin ang madalas na paghuhugas ng kamay.
    • Kumain o uminom lamang ng nalutong mabuti at pinakuluang mga pagkain.
    • Disimpektahin at takpan ang lahat ng sugat.
    • Magsuot ng surgical mask kung mayroon kang mga sintomas sa respiratoryo tulad ng ubo, pagbabahin, sipon at pamamaga ng lalamunan.
    • Ang mga batang may mga sintomas ng impeksiyon ay dapat na bawasan ang pakikipag-ugnayan sa ibang mga bata.

Panatilihin ang mahusay na kalinisan ng kapaligiran

  • Panatilihing malinis ang kapaligiran; disimpektahin ang magagamit muling mga bagay sa mga pampublikong lugar tulad ng mga sports center at pampublikong banyo nang regular.
  • Ang MRSA ay maaaring kumalat sa mga miyembro ng pamilya sa pamamagitan ng kontaminadong mga bagay sa sambahayan. Mahalagang panatilihing malinis ang tahanan at dapat walang alikabok. Ang mga madalas na hinawakan na bagay (hal. Toilet seat, banyo), mga laruan ng bata at mga sapin sa kama ay dapat na labhan o hugasan, linisin at disimpektahan (gamit ang tinimplang bleach na panglinis ng bahay) nang regular. Para sa karagdagang impormasyon sa paggamit ng bleach, pakibisita ang sumusunod na webpage:

http://www.chp.gov.hk/files/pdf/the_use_of_bleach.pdf
Website ng Center para sa Proteksyon ng Kalusugan (o Centre for Health Protection): www.chp.gov.hk

24-Hour Health Education Hotline ng Kagawaran ng Kalusugan: 2833 0111

Binago noong Hunyo 2019

 
First page  Previous page  / 3  Next page  Last page
Top   Top
 

Main Content

MRSA and CA-MARSA Infection Pamphlet - Tagalog Version
Close