(Zika Virus Infection - Tagalog version)
Impersyon ng Zika Virus
Mikrobyong Sanhi ng sakit
Ang impeksyon ng Zika virus ay isang sakit na dala ng lamok na sanhi ng Zika virus.
Mga klinikal na katangian
Karamihan sa impeksyon ng Zika virus ay walang sintomas. Para sa mga pasyente na may mga sintomas, karaniwang mayroon silang mga pantal sa balat, lagnat, pamamaga at pamumula ng mata, pananakit ng kalamnan o kasukasuhan at masamang pakiramdam sa katawan. Ang mga sintomas na ito ay karaniwang banayad at tumatagal ng ilang araw
Ang kasalukuyang pinakaikinababahala ay ang kaugnayan nito na may masamang resulta sa pagbubuntis (microcephaly) at neurolohiko at autoimmune na mga komplikasyon tulad ng Guillain-Barré syndrome (GBS). Ang Organisasyon ng Pandaigdigang Kalusugan (World Health Organization) ay nahinuha na ang impeksyon ng Zika virus sa panahon ng pagbubuntis ay isang sanhi ng mga abnormalidad ng utak pagkapanganak, kabilang ang microcephaly, at ang Zika virus ay isang dahilan ng pagsisimula ng GBS.
Bukod sa GBS, ang acute disseminated encephalomyelitis (isang sakit ng sentrong sistema ng nerbiyo) ay natagpuan na isa sa mga neurolohikong palatandaan na posibleng naging resulta mula sa impeksyon ng Zika virus.
Paraan ng Pagkahawa
Ang Zika virus ay pangunahing naikakalat sa tao sa pamamagitan ng kagat ng nahawaang lamok na Aedes. Ang Aedes aegypti, na kasalukuyang hindi matatagpuan sa Hong Kong, ay itinuturing na pinakamahalagang tagapagpakalat ng Zika virus sa mga tao. Ang ibang mga uri ng lamok na Aedes tulad ng Aedes albopictus na karaniwang matatagpuan sa Hong Kong ay itinuturing na posibleng mga tagapagpakalat.
Ang Zika virus ay natagpuan din sa semilya ng tao at ang pagkalat sa pamamagitan ng pagtatalik ay nakumpirma. Ang pagkalat ng Zika virus sa pamamagitan ng pakikipagtalik ng lalaki sa kapwa lalaki ay dokumentado din sa literatura. Ang ibang mga pamamaraan ng pagkalat tulad ng pagsasalin ng dugo at pagsasalin ng sakit mula sa ina patungo sa sanggol sa sinapupunan ay posible.
Panahon ng Inkubasyon
Ang panahon ng inkubasyon sa Zika virus ay umaabot sa 3 - 14 araw.