(Rubella - Tagalog version)
Tigdas-hangin
Mikrobyo na nagdudulot ng sakit
Ang Tigdas-hangin ay kilala rin bilang "German measles" at ito ay sanhi ng rubella virus.
Mga katangiang klinikal
Ang mga tao ay karaniwang nagkakaroon ng pagkalat ng pantal, lagnat, sakit ng ulo, karamdaman, pamamaga ng mga kulani, mga sintomas ng problema sa paghinga at pamumula at pamamaga ng mata. Ang pantal ay karaniwang tumatagal sa 3 araw, ngunit ang ilang mga pasyente ay maaaring hindi magkaroon ng pantal kailanman. Ang pananakit at pamamaga ng kasukasuan ay mas karaniwan sa mga babaeng nasa sapat na gulang na may tigdas-hangin. Ang tigdas-hangin ay maaari ring maging sanhi ng mga anomalya sa pagbuo ng sanggol. Ang mga sanggol na ipinanganak sa kababaihan na nagkaroon ng impeksyon sa unang 3 buwan ng pagbubuntis ay maaaring magkaroon ng congenital rubella syndrome, na nailalarawan sa pamamagitan ng pagkabingi, katarata, problema sa puso, sakit sa pag-iisip at iba pa.
Pamamaraan ng pagkalat
Ito ay maaaring maipasa sa pamamagitan ng pagkontak sa mga sekresyon mula sa ilong o lalamunan ng mga taong may impeksyon sa pamamagitan ng pagkalat ng patak ng sekresyon o direktang pagkontak sa mga pasyente . Ito ay isa sa pinakanakahahawang sakit at maaaring maipasa ng pasyente ang sakit sa ibang mga tao mula 1 linggo bago hanggang 1 linggo pagkatapos ng paglitaw ng pantal.
Panahon ng inkubasyon
Ito ay umaabot sa 12 - 23 araw, kadalasan 14 araw.
Pamamahala
Walang tiyak na paraan ng paggamot ngunit ang mga gamot ay maaaring inireseta upang mabawasan ang pagkabalisa.
Pag-iwas
- Panatilihin ang mabuting personal na kalinisan sa katawan
- Ugaliing maghugas ng kamay, lalo na bago hawakan ang iyong labi, ilong o mata, at bago humawak sa mga pampublikong kagamitan tulad ng mga handrail o door knob o kung ang iyong mga kamay ay nadampi o nakontamina anumang likido na nagmula sa pag-ubo o pagbahing. Maghugas ng kamay gamit ang isang sabon (liquid soap) at tubig, at kuskusin ito nang hindi bababa sa 20 segundo. Magbanlaw gamit ang tubig at patuyuin ang kamay gamit ang isang paper towel o hand dryer. Kung ikaw ay malayo sa anumang pasilidad para makapaghugas ng kamay o kung ang iyong mga kamay ay hindi naman kakikitaan ng anumang dumi, ang paggamit ng 70 hanggang 80% na alkohol ay isang mabuting alternatibo.